Ano ang Global KYC?
KYC stands for “Know Your Customer”. Ito ay isang standard na proseso na ipinapatupad ng kahit anong kumpanya na nag-ooffer ng financial services upang maverify ang identity ng kanilang mga customers.
Ito ay isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang money laundering o makaiwas sa mga taong may hindi magandang gawain sa paggamit ng aming wallet at ng aming services.
Ang KYC process ay nirerequire ng batas sa lahat ng financial platforms kung saan maaari silang mangolekta ng impormasyon mula sa customer upang maiwasan ang anumang uri ng krimen na maaaring maganap sa paggamit ng aming app.
Ano ang magiging epekto nito sa iyong wallet at sa iyong funds?
Lalabas ang notification to process KYC sa loob ng app ngunit hindi ito sabay-sabay na ipapatupad sa lahat. May mga user na makakatanggap ng notification as early as 5/5/2021, habang ang iba naman ay makakatanggap nito sa mga susunod na araw.
Upang makumpleto ang KYC process, you will need:
- Your valid ID
- Must be a valid Passport, Driver’s License or Unified Multi-Purpose ID (UMID)
Note: Maaari ring tanggapin ang mga IDs listed below ngunit magkakaroon ng kaunting delay sa pagprocess:
- COMELEC Voter’s ID
- Selfie
Note: Ang pagsubmit ng exisiting photo o photo na hindi kinuhanan real time ay hindi tatanggapin
- Date of birth
- Physical address
Note: Ang isang P.O. box address o business address ay hindi tatanggapin
- Social Security Number (SSS Number) or Tax Identification Number (TIN)
Users with less than $2,000 USD (approximately less than 100,000 PHP) must complete the KYC process and be approved by May 25, 2021. Kung hindi makumpleto ang KYC process at hindi maapprove by the said date, narito ang mga mangyayari:
- Withdrawal na lang muna ang maaari ninyong magawa na transaction sa inyong wallet hangga’t hindi kayo nagpprocess at naaapprove for KYC
- Hindi kayo makakapagdeposit ng additional funds
- Hindi ninyo magagamit ang “Send” feature ng app to send and receive funds from other Abra users
Note: Hindi mawawala ang inyong funds o ang inyong wallet kung hindi ninyo makumpleto ang prosesong ito by May 25. You can still do the KYC process after this date to enable your wallet in making other transactions again.
Users with more than $2,000 USD (approximately 100,000 PHP) must complete the KYC process and be approved by May 25, 2021. Kung hindi makumpleto ang KYC process at hindi maapprove by the said date, narito ang mga mangyayari:
- Hindi kayo makakapagdeposit ng additional funds
- Hindi kayo makakawithdraw ng existing funds
- Hindi kayo makakapagperform ng exchange transactions in between currencies (fiat or crypto)
- Hindi ninyo magagamit ang “Send” feature ng app to send and receive funds from other Abra users
Note: Hindi mawawala ang inyong funds o ang inyong wallet kung hindi ninyo makumpleto ang prosesong ito by May 25. You can still do the KYC process after this date to enable your wallet in making other transactions again.
Other notes:
- Starting May 25, hindi na din maaaring makapagsend and receive money to users na hindi nakakumpleto at hindi naapprove sa KYC process.
- Mayroon lamang hanggang tatlong attempts ang bawat user to trade (exchange) or add money before being forced to complete KYC. For more information regarding what is needed to complete the process here is a resource that can help.
For the list of restricted states and countries, go here.
Comments
0 comments
Article is closed for comments.